Monday, August 4, 2008

Ponema at Morpema

Ponema at Morpema. Ayon sa isang salawikain, “ang sakit ng kalingkingan ramdam ng buong katawan.” Ganito rin ang kaso sa wika; malaki na ang pagkakaibang maidudulot ng pag-aayos ng isang titik o tunog. Halimbawa, ang atid ay nagkakaroon ng kahulugan kung daragdagan ng ponemang /h/ (hatid) o /b/ (batid). May makabuluhang tunog na nakapagpapabago sa kahulugan ng salita kung aalisin o papalitan (subalit may hindi saklaw ng kahulugang ito, tingnan sa p. 88), at ang tawag dito ay ponema.

Ponemang segmental ang tawag sa mga tunog na ginagamitan ng mga katumbas na letra upang mabasa at mabigkas. 16 sa mga ito ay katinig at lima ang patinig (p.91).

(TANONG: Ano ang ipinagkaiba ng Punto ng Artikulasyon sa Paraan ng Artikulasyon?)

Mahalagang punto: Kung mapapansin sa aklat (p. 92-95,) kinasasangkutan ng iba-ibang bahagi ng katawan ang pagbigkas sa mga katinig, samantalang ang mga patinig ay naaayon sa kung anong bahagi ng dila ang gumagana at kung anong posisyon ng nasabing bahagi sa pagbigkas.

Pares minimal ang pares ng mga salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa bigkas maliban na lamang sa isang ponema sa magkatulad na posisyon (p. 95-96).

Ponemang malayang nagpapalitan ang tawag sa mga (duh) nagpapalitang ponema sa magkatulad na magkatulad na posisyon na hindi nakaaapekto sa kahulugang taglay ng salita. Nagaganap ang palitang ito sa /i/ at /e/, at /o/ at /u/ (p. 96). Malaking dahilan sa pagkakaroon nito ang barayti ng wika sa bansa (pansinin halimbawa, ang mga biro sa bigkas ng mga Bisaya).

Diptonggo ang tumutukoy sa mga patinig na sinusundan ng malapatinig na /y/ o /w/ sa loob ng isang pantig. SUBALIT may hindi saklaw sa depinisyong ito (p.99).

Klaster o kambal-katinig ang tawag sa magkasunod na tunog katinig sa loob ng isang pantig. (TALA o NOTE: may bagong alituntuning pangwika na inilabas na nagsasabing di-likas sa ating pagbigkas ang mga kambal katinig, kung kaya sa wastong pagbabaybay pinaghihiwalay ang mga ito ng patinig; halimbawa, pUwesto sa halip na pwesto lang, sUweldo sa halip na sweldo, at iba pa gaya ng kUwarta, kUwarto, pIyesta, at dIyaryo. SUBALIT hindi lahat ng klaster ay saklaw nito, gaya ng sa trak, Tsino, grado, atbp.)

Ponemang suprasegmental ang makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasang titik o letra sa pagsulat (p. 100). Inihuhudyat na lamang ito ng mga tanda bilang paraan ng pagbigkas.

Morpema ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng salita na nagtataglay ng kahulugan. Maaari itong ponema, salitang ugat o panlapi.

Iba-iba ang anyo ng morpema. Mayroong binubuo ng isang ponema (makabuluhan ito sa pagtukoy ng kasarian, halimbawa abugad/o/ at abugad/a/, o kaya sa pagmamay-ari, gaya ng halimbawa sa p. 114). Mayroon ding binubuo ng panlapi (p. 114-115), at binubuo ng salitang-ugat (p. 116).

May dalawang uri ang morpema: ang may kahulugang leksikal at may kahulugang pangkayarian. Tingnan ang mga paliwanag at halimbawa nito sa p. 116-117.

Para sa mga pagbabagong morpoponemiko (dulot ng pagsasama ng mga salita), tingnan ang paliwanag at halimbawa sa p.118-123.

Sunday, August 3, 2008

Antas ng Wika

ANTAS NG WIKA. Gaya ng ibang sistema, may iba-ibang antas ang wika. Naaayon ito sa paggamit at sa gumagamit. Ipinaliwanag ito sa p. 11-14 ng aklat. Batay sa paliwanag, subuking tukuyin kung anong antas ng wika ang gamit sa bawat bilang, AT ipaliwanag ang iyong palagay.

1. “Smart Buddy me na me, me na me talaga…D2 lang u angat palagi…” (Kamikazee)

2. “Field trip sa may pagawaan ng lapis/ay katulad ng buhay natin/’sang mahabang pila/ mabagal, at walang katuturan.” (Eraserheads)

3. “Pay-yew” ang wastong katumbas ng Banawe Rice Terraces sa katutubong wika.

4. Nagpapalabas ang Pangulo ng mga Kautusang Tagapagpaganap sa tuwing may nais siyang magarang maisakatuparan.

5. Meron akong lihim na pagtingin kay Rina, pero hindi ko sasabihin kaninuman maging sa iyo.

NOTE: Hindi na ito pormal na bahagi ng talakayan (kahit pa napakahalaga) o ng magiging talakayan, subalit maaaring kuwestiyunin ang mga pamantayang sinunod upang matukoy ang antas ng wika. Halimbawa, ang balbal daw ay "pinakamababang antas ng wika." Sa paanong paraan? Paano ito natukoy? SINO nagsabi at ANO ang pamantayang ginamit? Ang mababa para sa isa ay marahil mataas na para sa isa pa o sa iba. Gaya rin sa pampanitikang antas; UNIBERSAL ba ang pagkapanitikan o literariness para tiyak na makatukoy kung ano ang pampanitikan sa hindi? Pag-isipan.

Para sa linggong ito

PAALALA: Para sa pormal na pagsusulit sa Martes at Miyerkules, magdala ng dalawang buong intermediate paper.

Ito ang iskedyul para sa panggitnang pagsusulit (midterm exam):

August 7:
TTH class: MAT 401 BJ 10 am-11 am
SP 409 HRM 1 pm-2 pm
MMJ 203 IT 3:30 pm-4:30 pm

August 8:
WF class: MAT 304 HRM 7:30 am-8:30 am
MAT 301 HRM 1:00 pm-2:00 pm
MAT 302 HRM 2:15 pm-3:15 pm

GOOD LUCK at MAG-ARAL NANG MAIGI.

GAMPANIN NG WIKA. Sa pakikipagtalastasan natin sa kapwa, maraming ginagampanang papel ang wika. Mula sa pinakapayak na ekspresyon o pagbulalas dahil sa gulat hanggang sa masalimuot na pagbibigay-ulat, malawak ang papel ng wika sa ating pakikipagkapuwa. Mula sa impormasyon sa pahina 5 ng inyong aklat, ano ang ginagampanan ng wika sa mga sumusunod na halimbawa:

1. Sa basketbol: mga senyas ng point guard sa kagrupo niya para sa mga susunod nilang gagawin o play, alinsunod sa itinakda ng coach.

2. “Mam, ser, bili na po kayo ng bangka. Tiyak pong sa paglala ng global warming magiging madalas at malala ang pagbabaha, kaya ngayon pa lang dapat nang maghanda. Bili na po.”

3. “Arggh!!! Bagsak na naman ako sa pagsusulit!”

4. “Pagkagaling mong mamalengke, tumuloy ka muna kina Irma para maibigay mo ang ipinaaabot kong bulaklak.”

5. Kilala si Jean Baudrillard bilang nangungunang teorista ng postmodernismo. Siya ang nagpaliwanag tungkol sa pagkawala ng “tunay” na mundo at ang pagsapit ng panahon ng virtual reality at hyperreality.

Thursday, July 31, 2008

Saklaw ng mga Pagsusulit

Para sa mga formal assessment sa susunod na linggo, dapat pag-aralan ang Kabanata 1-5 ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino (teksbuk niyo). Karamihan sa mga narito natalakay niyo na sa klase ni Mrs. Padilla, batay sa mga notes na nakita ko. Magdaragdag din ako ng mga tanong hango sa sanaysay ni Conrado de Quiros ("Babel") at Michael Coroza ("Ang Rehiyonalismo...."). Para sa midterm exam (departmental), ang pokus niyo dapat nasa mga kabanatang binanggit ko na. Magdaragdag ako ng ilang paliwanag o halimbawa dito kaya ugaliing bumisita. Good luck at mag-aral nang maigi. Huwag kalilimutan ang common sense at logic.

Panira ng yelo (Gloria-ism for "icebreaker")

Pause muna sa pagiging seryoso. Nakita ko online ang listahang ito ng mga Gloria-ism. No wonder hindi umuunlad ang wikang pambansa, mismong "presidente" hindi alam ang wastong gamit! Anlabo.

Why do you make patol?
BY REGINA BENGCO AND JOCELYN MONTEMAYOR
Malaya - September 25, 2006

PRESIDENT Joseph Estrada may have his ERAPtions but President Arroyo is not
lagging behind with her GLORIAisms.

Among her memorable coinages is "nakakalbong dagat (depleted seas)" during
the 2004 campaign to her "trangkasong ibon (bird flu)" during the campaign
against the bird flu virus in 2005.

More GLORIAisms:

ON DESTABILIZATION

* Nilalason na pulitika - poisoned politics

Nagpipintura ng pangmatagalang instabilidad - painting long-time instability

"Ang nilalason na pulitika ay dapat ring matanggal na sa ating buhay
pambansa, iyong klase ng pulitika na ginagamit ang destabilisasyon at armas
na bumuwag sa katahimikan ng publiko at nagpapatakot sa mga namumuhunan at
nagpipintura ng pangmatagalang instabilidad sa ating bansa."

(Her speech at the 60th anniversary of the Liberal Party at the Plaza
Miranda last Jan. 19).

* Iguhit ang makipot na linya - drawing the fine line

[* nasa harap...- at the forefront]

"Ang pulis ay nasa harap ng laban kontra sa mga kriminal, terrorista at
destabilizer. Kayong mga narito ay tumutulong na iguhit ang makipot na linya
na naghihiwalay sa taong bayan sa kasamaan."

(Arroyo's address at the 15th PNP anniversary in Camp Crame on January 30,
2006).

* Isustento - to sustain

Pailalim na pagsasabwatan - underground conspiracy

"Kailangan isustento natin ang huwad sa mga pailalim na pagsasabwatan
hanggang ito ay buong malinis at mabura na."

(At the inauguration of the housing project for the Philippine Army in Fort
Magsaysay, in Nueva Ecija on March 13, 2006).

ON FEBRUARY 'COUP'

Mulat na suporta - enlightened support

Maliwanag at kasalukuyang panganib - clear and present danger

Linya ng pamunuan - chain of command

Sundalong ligaw - misguided soldier

Malayong Kanan - Extreme Right

ON THE ECONOMY

*Nagmamaneho ng utang (variation, nagmamaneho ng salapi) - managing the
debt

"Iyan din ang trabaho ng isang treasurer, di ba Lilian? Kayo ang nagmamaneho
ng ating utang, kayo ang gumagawa ng formula," (inadvertently referring to
Deputy National Treasurer Christine Sanchez as Lilian)

*Maganda ang litrato (ng ekonomiya) - the (economic) picture looks good

"First two and a half months, maganda ang litrato (ng ating ekonomiya)."

(In a roundtable discussion with Finance Secretary Margarito Teves and
Sanchez last March 21.)

ON MINDANAO

She again used the word "litrato," this time to describe Mindanao:

"Tingnan muna natin iyong malawakang litrato, iyung Mindanao." - "Let us
look at the overall picture, in Mindanao."

(In a roundtable with presidential adviser for the peace process Jesus
Dureza and special envoy for BIMP-EAGA Efren Abu last March 22, 2006).

* Hula ng mga financial institutions - forecasts of financial institutions

"Gumaganda ang hula ng mga financial institutions sa atin."

(In a roundtable discussion last April 17, 2006)

* Malapit na kooperasyon - close cooperation

Ibayong pamahalaan - foreign governments

Dayuhang palengke - foreign market

"Kailangan natin ang malapit na kooperasyon sa mga ibayong pamahalaan sa mga
bagay ng seguridad upang labanan ang terorismo at mga dayuhang palengke para
sa ating mga produkto at serbisyo."

(In a roundtable discussion on her visit to Europe and the Americas on Sept.
19, 2006).

ON PEACE

*Lansangan ng kapayapaan - road to peace

Yung mga espada gawing araro - beat swords into ploughshares

"Ngayon sa pagkakaisa, kaya natin na pangunahan iyong lansangan ng
kapayapaan, yung mga espada gawing araro."

(Speech at International Women's Day celebration last March 7).

ON SPORTS ET AL.

People's champ Manny Pacquiao never saw it coming when the President
described him as "matulis."

* Matulis na utak - sharp mind

"Si Manny ay umahon sa kabiguan na may higit na matulis na utak, higit na
malakas na katawan at determinasyong manalo kaya siya naging tunay na
kampiyon ng taumbayan dito sa panahon ng hamon at oportunidad,"

(Arroyo used the phrase to describe Pacquiao after his win over Mexican
boxer Eric Morales on Jan. 23, 2006. A written statement later came out
changing the phrase to "matalas na utak").

* Masipag na trabaho - hard work

Imposibleng panaginip - impossible dream

"Malinaw na ipinakita ni Manny na sa disiplina, masipag na trabaho at
determinasyon walang imposibleng panaginip."

(At a roundtable discussion after Pacquiao's victory also last Jan. 23.)

Arroyo always uses "panaginip" when what she meant was "pangarap," as in
"walang imposibleng pangarap."

Even members of the Philippine Mt. Everest team were not spared

*Kongkista - conqueror

Pagtayo ng bansa - nation building

(At the team's presentation in Malacanang last June 2).

ON MEMBERS OF GOV'T MEDIA AND THE CHURCH

*Kalihim sa Peryodiko - Press Secretary (Ignacio Bunye)

Kalihim ng Manggagawa - Labor Secretary (Patricia Sto. Tomas)

(Introducing her entourage, in her speech before the Filipino community in
Madrid last June 30)

*Hindi naglangis sa iyo (variation, langisero) - greasing, flattering,
brown-nosing

(Praising dzBB commentator Mike Enriquez and GMA-7 TV station an interview
over the radio station)

*Katawan ng Simbahan - Church body

"Si Bishop (Paciano) Aniceto ang pinuno ng katawan ng Simbahan para sa
pamilya."

(After the mass in Lubao, Pampanga in celebration of her 59th birthday last
April 5).

The 'COLEGIALA'

"Why do you make patol to that woman?!"

(When asked to comment on critic Linda Montayre of the People's Consultative
Assembly)

Some of her appointees seem to follow the lead of their commander in chief.
Can you guess who they are?

"How can you make tabon something that is already out?" (Spoken at a press
conference)

"How can they hawak me?" (Spoken at an ambush interview)

"Ano ba ang kulit-kulit mo, ina-knife-knife kita!" (Addressing a staff while
holding a letter opener).

Tuesday, July 29, 2008

Kasaysayan ng Wikang Pambansa

Ngayong bahagya nang naipaliwanag ni Wittgenstein ang katuturan ng pag-aaral ng wika, makauusad na tayo sa pagtalakay sa kasalukuyang lagay ng wikang pambansa, gayundin ang pagtatangkang isipin ang kinakaharap nito. Subalit hindi natin ito epektibong magagawa kung hindi muna tayo titingin sa nakalipas. Tandaang hindi mahalaga ang memoryahin niyo ang mga detalyeng narito. Unawain lang at pag-isipan, tungo sa mas mabuway na pagpapahalaga sa wikang pambansa. Ang mga talang narito ay hango sa inyong teksbuk, ang Komunikasyon sa Akademikong Filipino, gayundin sa sanaysay ni Virgilio Almario (tanyag na Pambansang Alagad ng Sining at isa sa mga nagsusulong sa pag-aaral pangwika at pampanitikan), ang "Mulang Tagalog hanggang Filipino."

1. Baybayin o alibata ang tawag sa sinaunang paraan ng pagsusulat ng ating mga ninuno. Mayroon itong 17 titik: tatlong patinig at 14 na katinig (TANONG: pansinin kung bakit buong salita ang gamit sa "tatlo," gayong numeral ang ginamit sa "17" at "14". Anong tiyak na batas sa paggamit ng wika ang sinusunod dito?) Ang mga karakter ay may katumbas na tunog, at may mga tandang idinaragdag kung may nais baguhin, gayundin upang tapusin ang pahayag. Tingnan ang halimbawa ng mga ito sa inyong teksbuk, p.64-67.

(TANONG: Paano naipasa sa kasalukuyang panahon ang mga impormasyong mula sa ating prekolonyal na kasaysayan? Ano ang komento niyo rito, ibig sabihin, ano ang implikasyon nito sa ating natanggap na kaalaman, gayundin sa uri ng estratehiyang ginamit sa pagpapabatid nito sa susunod na salinlahi?)

2. Mga Kastila ang unang nagsagawa ng kodipikasyon tungo sa pormalisasyon ng mga wika sa Filipinas, sa pamamagitan ng pagpasok ng alpabetong Romano. Dahil dito, ang paraan ng pagsulat at patunog sa Espanyol ang isinulong ng mga misyonero. Idinagdag nila ang titik E at U, dahil tatlong patinig lang (A, I, O) ang mayroon sa baybayin. Mainam malamang may mga tunog na hindi ganap na matapatan ng alpabetong Espanyol, gaya na lamang ng K, at W (na wala sa kanilang alpabeto). Dahil dito, hinahalinhinan na lamang nila ang tunog ng C para sa K (alaC, yapaC, busilaC), at ang diptonggong /IW ng IO o IU (aliO o aliU, para sa "aliw")

Itinaguyod nila ang mga katon, kung saan itinuro ang bagong paraan ng pagsulat at patunog na ito sa kabataan.

(TANONG: Ano ang posibleng naging epekto ng estratehiyang ito sa literasi ng ating mga ninuno?)

Pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang layunin ng pananakop, kaya naman inaral ng mga misyonero ang wikang gamit ng mga katutubo para mas mapadali ang kanilang pagtuturo. Naglabas sila ng mga diksiyonaryo bilang gabay sa pag-aaral ng wika ng mga katutubo. AT di-hamak namang ang mga lahok dito (mga salita, mga halimbawang bugtong at salawikain na madalas sambitin ng ating mga ninuno) ay nasala na; ibig sabihin, pinili na lang nilang isama kung ano-ano ang mga makatutulong sa kanila sa pagtuturo ng Kristiyanismo sa ating mga ninuno.

Kaugnay nito, marapat ding malaman na may hangarin ang pamahalaang Kastila na magturo ng kanilang wika sa katutubo. Hindi lamang ito naisakatuparan dahil sa mga prayle, na siyang namamahala sa mga paaralang itinaguyod sa bansa. (TANONG: Bakit kaya sila tumutol?)

3. Mga Amerikano ang sumunod na naglunsad ng repormang pangwika. Dito naganap ang simplipikasyon ng katutubong abakada, gaya ng matatagpuan sa Balarila (1940) ni Lope K. Santos. Tanggap ang limang patinig subalit 15 katinig lang mayroon, ayon sa mga tunog sa Tagalog.

Kung noong panahon ng Kastila naipagkait sa katutubo ang pag-aaral ng banyagang wika, ipinalaganap naman ng mga Amerikano ang Ingles, simula sa pagdating sa bansa ng mga Thomasite, o mga gurong Amerikano na magbabahagi ng kaalaman sa mga Filipino.

Sa panahong ito rin tahasang itinadhana ang pagkakaroon ng isang wikang pambansa. Batay sa pag-aaral at rekomendasyon ng Surian ng Wikang Pambansa (itinaguyod noong Nobyembre 13, 1936), Tagalog ang napiling batayan ng wikang pambansa.

(PAGLILINAW: ang hakbang na ito ang maituturing na sanhi kung bakit marami ang tumu(tu)tol sa pagkakaroon ng pambansang wika. Basahin ang sanaysay ni Michael Coroza para sa paliwanag).

1959 nang umpisahang tawaging Pilipino ang wikang pambansa.

4. Dekada sesenta (60's) nang umigting ang pagtutol ng marami sa pagtatalaga sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa. Maraming politiko ang kumuwestiyon sa hakbang na ito (basahing muli ang sanaysay ni Coroza), at binatikos ang umano'y pag-iral ng puristang Tagalog. Sadya namang konserbatibo ang gawain ng mga tagapagsulong ng wika sa panahong ito, sapagkat sa pagpapalawig ng wika, mas ginusto nilang humiram sa Kastila ng mga banyagang kataga sa tuwing umiiral ang mga ito, bago gumamit ng mga salitang Ingles. Panahon din ito ng eksperimentasyon, kung kailang may mga inilunsad na programang pangwika na naglalayong makatuklas o makaimbento ng mga katawagan sa katutubong dila ng mga konseptong pang-agham, nang hindi humihiram sa Ingles o Espanyol.

5. Dekada setenta (70's) nang ipatupad ang bilingguwalismo sa edukasyon. Batay sa ulat ng Presidential Commission to Survey Philippine Education noong Disyembre 1970, itinagubilin ang paggamit ng dalawahang wika sa edukasyon- bernakular sa Grade 1 at 2, Pilipino sa Grade 3 at 4, Pilipino at Ingles sa sekundarya at edukasyong tersiyarya.

Sa panahong ito rin naging Filipino ang Pilipino, bungsod ng paratang ng ilan na ang Pilipino ay "purong Tagalog lang." Nakasaad man sa Konstitusyong 1973 ang tadhanang gumawa ng hakbang tungo sa pagkakaroon at pormal na pagkilala sa isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Filipino, itinadhana pa rin nito ang patuloy na pag-iral ng Pilipino, kasama ng Ingles, bilang wikang opisyal. Ang pagbabago rin ng pangalan mula Pilipino hanggang Filipino ay hindi nangahulugang nasunod ang gusto ng mga tutol sa Pilipino, na ang Filipino ay magsilbing amalgamasyon o pantay-pantay na representasyon ng mga wika sa bansa.
(TANONG: Mahirap kayang maisakatuparan ang mungkahing ito? Kung ikaw ang masusunod, ito ba ang gagawin mong Filipino, ang pagsasama-sama at pantay-pantay na representasyon ng lahat ng wika sa Filipinas? Bakit o bakit hindi?)

Sa panahong ito rin naaprobahan ang bagong alpabeto na may 31 titik.

6. Noong dekada otsenta (80's) itinampok sa Konstitusyong 1987 ang tungkuling paglinang sa Filipino sa pamamagitan ng katutubong wika sa Filipinas.

Muling idinaan sa pagsusuri ang alpabetong Filipino at pinagtibay ang kasalukuyang alpabeto na may 28 titik. Nadagdag ang mga titik C, F, J, N (enye), Q, V, X at Z.
(TANONG: Sa modernisasyong ito ng wikang Filipino, idinagdag kaya ang mga bagong titik para sa akomodasyon lang ng mga banyagang salita na hihiramin natin? Magsaliksik at pangatwiranan ang sagot)

7. Dekada nobenta (90's) nang ipalabas ng Commission on Higher Education (CHEd) ang kautusang nagtatakda ng siyam na yunit na pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang edukasyon (1996).

Noong panahon ng panunungkulan ni Pang. Fidel V. Ramos itinalaga ang Agosto bilang Buwan ng Wikang Filipino, mula sa nakagawiang pagdiriwang ng Linggo ng Wika (1997).

8. Taong 2001 nang ilabas ng Komisyon ng Wikang Filipino ang Revisyon ng Ortograpiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino. Layunin ng proyekto ang pagtatakda ng mga alituntunin sa pagbabaybay, lalo na ng mga salitang hiram.



Conrado de Quiros, Babel

Para sa mga wala pang kopya. (Idol, kung makita mo man ito paumanhin dahil ipinaskil ko nang walang pahintulot galing sa iyo).

THERE’S THE RUB
Babel

By Conrado de Quiros
Inquirer
First Posted 11:30pm (Mla time) 12/05/2007

Someone tells me: The thing about their language is that they sound like they’re whining or remonstrating with each other with their long-drawn nasal sounds. We are at the Bangkok airport, caught in a layover of nine hours en route home, a situation conducive to making demented observations and unkind remarks. We are watching a group of Thai airport personnel engaged in animated conversation, their sudden bursts of laughter belying the notion of remonstration.

I say through the tiredness seeping through my bones: “You wonder what they’re saying about how we sound talking in Tagalog. For all you know they’re talking about us now, which is why they’re laughing their heads off.”

It’s not easy dozing off among the chairs in this cavernous place, something I’m normally able to do (used to be able to doze off standing on a bus in my student days). The airport’s air-conditioning is turned on full blast, offering an aftertaste of what we just had, and the modernist metal seats conduct the cold ferociously. You slouch on them for a while and you feel the cold radiating on your back. You would think people who had gone through so much trouble to build a spectacular edifice would have had the foresight to supply chairs that do not hold the promise of pneumonia.

I know, of course, the complaint just comes from envy that they’re able to build a spectacular edifice like this. I hadn’t been to Bangkok in years, and the last time I was here, they still had the old airport. And that already depressed me, the contrast between it and the Ninoy Aquino International Airport driving home the point about a Southeast Asian country that had progressed and another that had not. This new one adds whole new dimensions to the depression, its epic demonstration of confidence, if not bravado, driving home the point about a once developing country that has barged into the 21st century and another that has not.

And to think the Thais used to troop to the Mecca of knowledge that was the University of the Philippines in the 1960s and 1970s!

Listening to the airport personnel again, with their laughter and their elongated nasal twang, or whine, I am hit by sudden epiphany. Years after many Thais studied at the University of the Philippines and other universities abroad, their adeptness at the language, whether verbal or written, remains at best tenuous. It’s all passengers can do to carry on an easy conversation with airport personnel. You ask for directions, you have to rely more on the answerer’s physical gestures than on his words. I recall that the Far Eastern Economic Review used to have a field day in its Traveler’s Tales poking fun at the violence Thais wreak on the English language. I myself have heard all sorts of funny stories from friends about their experiences with Thais. One couldn’t understand why a flight attendant kept badgering him with “chiknapok,” only to realize after the attendant’s exasperated repetition that he was being asked if he wanted chicken or pork.

We, of course, pride ourselves in our apparent mastery of English (more apparent than real), particularly our ability to speak it with a reasonably understandable diction (including the often bizarre ones of congressmen), if not with a simulated American accent. The pride is not entirely without basis. Despite our deteriorating adeptness in English (a thing I would attribute in great part to the precipitous decline of reading, though the plague has spread to all parts of the world, even in Britain as a BBC report lamented), we still speak better English than our Southeast Asian neighbors. (The South Asians speak better English than we do.)

But there’s the rub. We speak better English than our Southeast Asian neighbors, but look at our Southeast Asian neighbors (including increasingly the former Indochinese ones) and you’ll see that nearly all of them have left us biting their dust. Singapore certainly has. Malaysia certainly has. Even Indonesia and Vietnam are so. Indeed, just look at this airport in Bangkok, as unabashed a display of prosperity as they come (you’d take a day traversing the expanse of it) and, well, what’s the feeling beyond depressed?

Maybe it has to do with language, with a grasp (or lack of it) of what it’s supposed to do. Those of us who keep emphasizing English as a way to communicate with tourists and to find jobs abroad -- which includes the current occupant in MalacaƱang; that was what she was saying in a graduation speech when she was heckled by one of the graduates -- may think we are saying the most commonsensical thing in the world. But other people would find that the battiest thing in the world. The primary function of language is not for a people to communicate with foreigners, it is for a people to communicate with themselves. The primary function of language is not for a government to communicate with other governments, it is for a government to communicate with its citizens.

Maybe that’s the reason they are what they are now and we are what we are now. Maybe they’ve built airports like this because they have found a way to talk to one another and tell one another exactly what to do. Maybe we’ve been reduced to looking for menial jobs in foreign companies or foreign shores because we’ve found a way to talk only to our employers and masters. Maybe they’ve been invited to the gala because they have interpreters who can tell the other guests what they’re saying and so engage them in conversation. Maybe we serve as waiters in the same event because we know enough to offer them a glass of wine and a smile. Maybe the twang and/or whine they emit when they speak is the sound of music and the mellifluous English our call-center army produces is the sound only of distant thunder.

Maybe we are cursed only to build an unfinished tower while speaking the language of Babel.