Sunday, August 3, 2008

Antas ng Wika

ANTAS NG WIKA. Gaya ng ibang sistema, may iba-ibang antas ang wika. Naaayon ito sa paggamit at sa gumagamit. Ipinaliwanag ito sa p. 11-14 ng aklat. Batay sa paliwanag, subuking tukuyin kung anong antas ng wika ang gamit sa bawat bilang, AT ipaliwanag ang iyong palagay.

1. “Smart Buddy me na me, me na me talaga…D2 lang u angat palagi…” (Kamikazee)

2. “Field trip sa may pagawaan ng lapis/ay katulad ng buhay natin/’sang mahabang pila/ mabagal, at walang katuturan.” (Eraserheads)

3. “Pay-yew” ang wastong katumbas ng Banawe Rice Terraces sa katutubong wika.

4. Nagpapalabas ang Pangulo ng mga Kautusang Tagapagpaganap sa tuwing may nais siyang magarang maisakatuparan.

5. Meron akong lihim na pagtingin kay Rina, pero hindi ko sasabihin kaninuman maging sa iyo.

NOTE: Hindi na ito pormal na bahagi ng talakayan (kahit pa napakahalaga) o ng magiging talakayan, subalit maaaring kuwestiyunin ang mga pamantayang sinunod upang matukoy ang antas ng wika. Halimbawa, ang balbal daw ay "pinakamababang antas ng wika." Sa paanong paraan? Paano ito natukoy? SINO nagsabi at ANO ang pamantayang ginamit? Ang mababa para sa isa ay marahil mataas na para sa isa pa o sa iba. Gaya rin sa pampanitikang antas; UNIBERSAL ba ang pagkapanitikan o literariness para tiyak na makatukoy kung ano ang pampanitikan sa hindi? Pag-isipan.

8 comments:

gheca_rsls said...

ang balbal daw ay "pinakamababang antas ng wika." Sa paanong paraan?

para sa akin ito ang pinaka mahabang antas ng wika dahil sa marami kang mabubuo na salita na mag kakasingkahulugan. gaya ng halimbawa sa libro na shorlog, kyorlog, borlog na ang ibig sabihin lang ay tulog o matulog, at marami ka pang pedeng mabuo na salita basta katunog lamang ng mga ito.

gheca(gemmie camille rosales BS-IT)

The Game said...

gheca:

salamat sa pagsagot. subalit ito nga ba ang marapat na batayan lamang sa pagtatakda kung mataas o mababa ang turing sa wika, ang pagkakabuo ng magkakasingkahulugan na salita? sino ang nararapat magtakda/magsabi at sino ang nagtalaga sa kanya/kanila sa ganitong posisyon? ano ang kanilang malinaw na batayan?

jecka_04 said...

hmmm... sa tingin ko hindi lamang ang tunog ang batayan tungkol sa pagtatakda ng antas ng wika. dapat ito din ay angkop sa pag gagamitan nito at tama ang pag gamit. patawad kay gheca pero ang salitang borlog ay maari din natin ikonek sa salitang "BORING" or "BORED"

The Game said...

salamat sa pagkomento jecka_04. para sa kabatiran ng lahat, ang tanong na isinama ko sa entri ay hindi nangangailangan ng agarang tugon, subalit punto para sa mas malalimang repleksiyon. Ang ibig kong sabihin, gusto ko lang mapag-isipan niyong gaya ng anumang sistema, umiiral ang kapangyarihan sa wika.ergo, walang katiyakan ang mga pamantayang ginamit sa pagtatakda kung ano ang mababang antas sa hindi, ang pampanitikang gamit sa karaniwan, atbp., at pupuwedeng kuwestiyunin o pagdebatihan dahil tiyak namang may agenda ang nagtaguyod ng mga ito at hindi malinaw ang kanilang istandard. ang pagsagot niyo ni gheca ang tanda ng inyong pag-iisip at pagmumuni sa tanong na nabanggit. :)

gheca_rsls said...

hmm pinaka mababa ito dahil karaniwang nabubuo lamang ito sa isang grupo na hindi gaya ng ibang antas ng wika na may specipikong pinanggalingan at maaring magamit sa pormal man o impormal na pakikipag usap. ang balbal ay para sa impormal lamang at hindi maaring isama sa mga sulatin o nobela.

sai_sai said...

BALBAL Mga salitang ginagamit sa kalye. Halimbawa: Ermats, Erpats, Epal. LALAWIGANIN Mga salitang ginagamit sa mga lalawigan. PAMPANITIKAN Mga salitang may iba pang kahulugan o may mas malalalim pang kahulugan.

carlo_sulpa_BS-IT said...

Mas madalas marinig ngayong sa mga kabataan ang mga o sa sarili kong pagkakaintindi ay " slang ' tama ba?. hindi ako sigurado pero yun yung pagkakaintindi ko, o baka ' salitang kalye" madalas magamit ngayon, yung " borlogs " narinig ko sa pinsan ko, Pinoy pala ung salaita, akalain mo.

Para naman sakin, walang "mababa" o "mataas" na antas ng wika, ang punto dito eh sariling wika natin yun, kung anu pa man ang antas nyan, pantay pantay lang yan, kaya dapat gamitin, kung sana kahit "kabalbalan" lang na tagalog ang gamit ni "Crocodile Queen" eh di sana natuwa pa ang karamihan ng tao sakanya.tsktsk..malas ng Pilipinas..

Kung sana sinipagan rin akong magcomments sa mga posts ni ser jelson, pero ser pangako, binabasa ko to, pero basa lang, hindi ako nagrereact..hehehe..

johncarlosulpa Bs-IT

The Game said...

magaganda ang inyong mga komento. ito lang talaga ang sasabihin ko: walang mababa o mataas na antas ng wika, depende yan sa konteksto ng pagkakagamit. ang text language halimbawa, ay ipinagpapalagay na "balbal" o mababa. PERO kapag ginamit na sa akdang pampanitikan, gaya halimbawa ng tula (AT may mga gumamit na nito), iba na ang kaso. astig, di ba? gayundin naman, ang mga ipinagpapalagay nating mataas na gamit ng wika ngayon, ipagpalagay nating sa mura ginamit, eh di "likas" lamang na magbabago na ang tingin dito. ergo, ang wika ay kontekstuwal AT arbitraryo. :) basta huwag kayong makokontento sa alam na ninyo o sa mga natutuhan at matututuhan pa, ugaliing magtanong, magtanong, magtanong. maging kritikal sa mga tinatanggap na impormasyon.