Thursday, July 24, 2008

Welcome to epaul, apaul!

Sa mga bisita:

Gaya ng nabanggit, dito ko itatala ang mga leksiyong dapat nating matalakay sa loob ng (kulang na kulang) na tatlong linggo. Gaya ng nabanggit, mayroon tayong 3 pang pormal na pagsusulit o formal assessment na dapat punan, kaya malamang-lamang ang karamihan ng dapat nating pag-usapan dito na lang magaganap, dahil tatlong pagkikita ang ilalaan natin sa mga nauna ko nang nabanggit na pagsusulit. At matapos man ang tatlong linggo ng ating pagsasama, susubukin kong panatilihin ang site na ito, at magdagdag ng ilan pang bagay o pagtalakay, sa pag-asang makatulong pa ang blog na ito nang mahaba-habang panahon. Mag-aral nang maigi. Good luck.

No comments: