Sa kasalukuyang panahon kung kailan labis ang pansing itinutuon sa pagpapakadalubhasa sa Ingles (pangunahing isinusulong ng pamahalaan, susi daw kasi ito sa tagumpay) upang matugunan ang mga kahingian ng globalisasyon (na para sa gobyerno, sadly, ay wala nang iba kundi ang pagpapadala ng skilled labor sa ibang bansa), higit na kailangan ang paggamit, pagsulong at pagtangkilik sa wikang Filipino. Kaya lang, wala tayong maasahan mula sa gobyerno (sa katunayan nga, sa ilang state-run na paaralan/pamantasan, limitado lang ang mga lugar kung saan puwedeng gumamit ng Filipino, kabilang na ang canteen at ang CR, at may karampatang multa o parusa ang paglabag sa pamantayan) kung kaya nasa ating mga nasa akademya ang mabigat na tungkuling ito.
Subalit mayroon ding suliranin sa paaralan. Sa tingin ko, isang malaking hadlang sa labis na pagmamahal sa wika natin ang kalikasan o uri ng pag-aaral nito, na kadalasang nakapokus sa mahalagang papel ng wika sa komunikasyon. Kaugnay nito ang pagtalakay ng mga salik na nakaiimpluwensiya sa gamit ng wika sa komunikasyon, ang wastong bigkas ng mga salita't titik, mga teoryang nagtatangkang nagpapaliwanag sa development ng wika, mga tiyak na bahagi ng katawan ng tao sa pagsasalita o pagbigkas, atbp. Mainam na gawain ang mga ito (ang hindi nga naman marunong magmahal sa sariling wika, ayon kay Rizal...), subalit sadyang kulang; hindi nasasagot ang tanong kung BAKIT NGA kailangang talakayin ang mga ito. Samakatwid, walang KONTEKSTO.
Ito ang ipinagpapalagay kong dahilan kung bakit maraming estudyante ang may pagtutol sa pag-aaral ng Filipino (I should know; minsan din akong kolonyal mag-isip). Hindi maiiwasang maitanong ng bata kung ano ba ang halaga ng naturang sabjek sa kanyang kurso, dahilan para hindi niya ito seryosohin. Napipilitan lang ang mga mag-aaral, sapagkat oo nga naman, kahingian kasi ito ng CHEd kaya kailangang pagdaanan. Kaya naman sa pagtatapos ng semestre, mabilis na ring lilimutin ang mga napag-aralan (o pilit na pinakinggan) kapalit ng mga bagong matutuhan, lalo na mula sa mga major sabjek na may tuwirang kaugnayan sa propesyong nais nilang suungin balang araw.
Ito ang tinutugunan ng napagmunihan ni Wittgenstein tungkol sa wika. Simply put, HINDI LANG SA KOMUNIKASYON ang papel ng wika. HIGIT PA RITO, ito ang NAGHUHULMA SA ATING KAMALAYAN, SA ATING KULTURA, SA ATING IDENTIDAD. Sa pamamagitan ng wika kaya tayo nagkakaroon ng kamalayan hinggil sa mundong ating ginagalawan. May pag-iral ang mga bagay sa mundo dahil sa wika. Kung gayon, mas malawak ang kaalaman mo sa iyong wika, tiyak na mas kilala mo kung sino ka, ano ka, ano ang iyong kultura. Mahirap naman yata kasing mas bihasa ka pa sa banyagang wika kumpara sa sarili mong dila, 'di ba? Wala namang nakatataas o nakabababang uri ng wika; depende ang ganitong pananaw sa gumagamit. Sadyang mahirap maihiwalay ang sarili sa wika; kaya nga labis na kamangha-manghang sa paglipat lamang ng isang titik, IKAW ay nagiging bahagi WIKA.
Sa pagsusulong ng wika natin, hindi nangangahulugang kailangan nating iwaksi ang banyagang wika, gaya ng lamang ng Ingles. Di-maikakailang mahalaga ito lalo na sa mga teknikal na larang o field. Ang punto ko lang, una: magpakadalubhasa muna tayo sa sarili nating wika bago pagtuunan ng pansin ang banyaga. Sa ilang pagtitipon noon na nadaluhan ko, laging may magulang na nagrereklamo kung bakit kailangan pa raw pag-aralan ang Filipino sa klase, gayong Filipino naman daw sila/tayo, at nahihirapan ang anak niya sa sabjek. Hindi naman problema ang wika, gayundin ang paggamit o pag-aaral nito (akala ko ba ginagamit na nila ang wika, eh bakit hirap pa rin ang anak niya?); ang problema nakaugat sa napakababaw na pagtingin sa wika, gaya ng una ko nang nabanggit. Ang mahirap kasi sa marami sa atin, nananatili pa rin ang kolonyal na pag-iisip kaya't mas inuuna ang Ingles. Hindi dapat ganito ang kaso.
Ikalawa, kung magpapakahusay tayo sa Ingles, tiyaking inaaral natin ito sa tamang dahilan, at hindi bilang susi umano sa kaunlaran gaya ng patuloy na isinusulong ng pekeng pangulo. Kung magkaugnay ang wika't kamalayan, ano sa tingin ninyo ang nahuhubog sa isipan ng mga taong labis ang pagkahumaling sa Ingles? Kaya wala tayong respeto sa kapwa, sa sarili, sa Bayan, dahil sa pagpapalagay nating mas nakaaangat sa atin ang iba, gaya na lamang ng pagtingin sa Ingles.

3 comments:
awesome workk.:)
-- angelaa. mcbj.
two thumbs up! ^^,
tama ang lahat ng nariyan. kakalungkot nga lang isipin wala ginagawa ang gobyerno natin. hayzzz ~_~
-JaCob Garcia. I-BSIT
aalamin ko po iyan!!! tama po ba ang aking grammmar? hehehe..
-angel. I-MCBJ
Post a Comment